d
r
e
a
m
Delight yourself in God & He will give you
the desires of your heart.
Psalm 37:4

"Before, it's empty.
Until you came and help me fill this place.
You gave me stories to share.." i>
-Nishyohseven- c>
Swimmer of her own thoughts. Writer of her dreams. Blogger of her journey.
A bipolar teenager who is attempting to inspire the world one blog entry at a time. She finds joy, stress and everything in between while trying to get a degree in Biology. She loves to dream and one of her dreams is to become a Pediatrician. She finds serenity with her creator. She's a proud ate to Nathaniel Josh and on her free time, she is a fan girl.
"Don't stop when you're tired; stop when you're done." ♥
the desires of your heart.
Psalm 37:4
profile
ramblings of a teenage girl

How beautiful you are,
my darling.
Song of Songs 1:15
-
Ang nobela aming nobela ni Jerald Vernon Torres para sa kasunduan sa Filipino. Noong SY 2010-2011 pa ito.
Sa Silid-Aralan
Tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa, ako’y naakit sa taglay niyang ganda. Parang halimuyak ng marikit na bulaklak sa isang hardin. Siya ang aking fenix, ang rosas na may tangkay at may tinik—siya ang talulot at ako naman ang tangkay. Hinihiling kong akin siya.
Nagkatinginan kami at sa sandaling ‘yon, may bigla akong nadama. Parang nakuryente ang aking katawan—ito na ba ang tinatawag na kilig? Hindi ko ito masasagot.
Piling ko ako’y nasa langit
Ang ika-pitong langit
Piling ko wala na itong katapusan
Ako’y natutunaw! Natutunaw!
nang biglang..
“Matthew” tinawag ako ng aking guro sa Chemistry.
“What is the component of honey?” tanong niya.
Naputol ang aking pag papantasya, at bumalik ako sa aking katinuan. Ayaw kong mapahiya sa kanya, lalong lalo na’t katabi ko siya.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang aking sarili. “Glucose-fructose po ma’am”
“Correct!” Tama ang aking sagot. Salamat sa kanya. Salamat sa kanya!
in English, “Thanks for the inspiration”
Ako’y nagdahan-dahan sa pag upo, kuntento sa pangyayaring kakaganap pa lamang.
Ngunit alam kong pangarap na lang ang lahat ng ito dahil hindi naman ang tipo niyang lalake. Sino ba namang napakagandang babae ang magsasayang ng panahon sa tulad kong “geek. Alam kong wala akong pag-asa.
..hanggang one-sided affair na lamang ito..
Dahil wala akong halaga sa kanya
Dahil hindi siya magkakagusto sa akin
Dahil hindi niya ako kayang mahalin
Dahil hindi ako karapat dapat sa kanya
At mrami pang dahil..
Ngunit baka magustuhan niya ang isang maganda kong katangian: ang katalinuhan.
Magustuhan niya kaya?
Sana!
Hay nako! Pangarap nanaman ang aking nasa diwa, sobra sobra na ito, ngunit hindi ko ito matatangihan dahil mahal ko siya at kung iiwasan ko ito, ako’y masasaktan.
Gusto ko lamang sabihin niya na “I love you Matthew” dahil mahal ko siya. Oo Aubrea. Mahal kita. Mahal na mahal.
Sa Kantina
Ako’y nakaupo sa isang lamesa sa kantina habang kasama ang aking barkada. Wala akong ganang kumain, paano ka ba naman gaganahan kung ang diwa mo ay patuloy na nagsasabi na wala ka na ring ganang mabuhay. Absurdo diba? Absurdo ko diba?
Bigla akong tinapik ni Miguel
Ako’y nagising.
“Pare, okay ka lang?” kanyang tinanong
Tinignan ko lamang siya, wala akong balak sumagot.
Hindi ko rin maintindihan ang masidhing emosyon na naka-kulong sa aking katawang lupa.
Ang emosyon ding ito ang nagudyok sa akin na mainggit.
Habang tinitignan ko si Miguel, bigla akong nainggit sa kanya. Inilayo ko agad ang aking mata. Ayaw ko ng ganitong pag-iisip. Kasakiman ito!
Tinapik ulit ako ni Miguel.
Napataas ang tono ng aking boses “Pare, mamaya na. Masama ang aking pakiramdam!” Bakit ba ako ganito? Insecure.
Hindi ako makuntento sa ibinigay ng Panginoon sa akin.
Tao rin naman ako tulad ni Miguel.
Lamang nga lang siya, at iyong ang aming pagkakaiba!
Hindi ko ito matanggap.
Pumikit na lamang ako, pero lalo yatang lumala. Si Aubrea lang ang nakikita ko. Ang kanyang nakakahalinang mata na may mapilantik na pilik-mata. Ang kislap na ito ay nakakalambot ng aking nadarama, at habang tinitignan ko ang mga ito, lalo ko siyang nagugustuhan..
..minamahal.
“Pare!” tinawag ulit ako ni Miguel.
Ako’y naasar sa kanyang kakulitan. Pasalita na sana ako ng bigla niyang sinabi
“Gusto kang kausapin ni Aubrea”
Napadilat ang aking mga mata at humarap kay Miguel. Sa likod niya ay may napakarikit na dalaga na sumasalamin sa babae ng aking panaginip. Napalundag ang aking puso sa saya. Nais akong kausapin ni Aubrea.
“Aubrea, bakit ka nandito?” wala akong masabi
“Gusto ko lamang sabihin na magka-grupo tayo sa camping”
Sa camping!
Sa Camping
Nandito kami sa dalampasigan ng Cabanatuan, pinapaligiran ng isang bonfire. Katabi ko si Aubrea kasama ang aming mga ka-grupo. Nagkukwentuhan habang pinapanood ang lumalagablab na apoy na kasing init ng pagmamahal ko kay Aubrea.
Tinanggap ko na noong isang gabi na wala na talaga akong pagasa kay Aubrea kahit pa siguro magpakamatay ako. Ngunit sa isang iglap, nang makatabi ko siya, parang gusto ko nang bawiin lahat ng pangako ko sa aking sarili. Hindi ko yata kaya na mawala siya sa aking piling. Hindi ko yata kaya na hindi ko siya mahalin.
Si Anna ay nakaisip ng magandang gawain.
“Pips, maglaro kaya tayo ng dugtungan kwento? You like?”
Umoo lahat ng ka grupo namin
pati si Aubrea.
Ako, hindi na lang ako nagsalita
Anna: may isang babae ang may gusto sa isang lalake
Jason: Pero hindi mahal nung lalake yung babae
Aubrea: Ginawa nung babae ang lahat mapansin lamang siya ng lalake
Anna: Ngunit walang epekto ang lahat sa lalake.
Aray ang sakit! Patama ba sa akin lahat ni Aubrea yun. Este ako lang pala. Muntik ko nanamang ma-kalimutan na one sided affair ang aming storya.
Sa walang kadahilanan, ako’y tumayo at umasa na tignan ako ni Aubrea. Kahit man lamang sa ganoon, alam kong concern man lang siya sa akin. Ngunit mali ata ako ng naisip. Tumingin lang ang lahat ng aming mga ka-grupo sa aking anyo.
Totoong maraming tao ang namamatay sa maling akala.
Nadismaya ako.
Napahiya din ako, at iyon ang masakit
Hindi ko alam kung anong pilit na nagpapagalaw sa aking kalamnan. Eh hindi ko nga alam na nagumpisa na pala akong maglakad papalayo sa bonfire. Ang paglalakad na ito ay bagamundo, wala akong pakialam sa tatahakin kong daan. Mali pala, ako ang bagamundo dahil wala akong pakialam sa iisipin ng aking ka-grupo. Tama diba? Hindi naman kasi ako bihasa sa tagalog.
Ang gusto ko lang naman ay mapag-isa.
Nag over-react naman ata ako sa laro namin. Mas balat sibuyas pa ata ako sa isang babae. Sana walang maka-alam ng dahilan sa aking pag wa-walk-out.
Kung tutuusin, wala talaga akong dahilan
Ang alam ko lang, hindi ko na kayang makasama pa si Aubrea dahil patuloy ko lamang sinasaktan ang aking puso.
May matutuwa ba sa ganitong paliwanag?
Pag karaan ng ilang minuto, ng naramdaman ko ang pagod habang ang hangin ay bumubulong mula sa katahimikan, ako ay umupo sa buhanginan. Ito ang hudyat na malayo na ako sa digmaan. Malayo na ako kahit kanina pa man.
Ipinikit ko ang aking mata sa kadiliman ng may biglang..
Nagsalita na parang si wonderwoman..
Si Aubrea pala!
“Bakit ka umalis sa bonfire? “ Ako’y napadilat niyang muli. Siya lang ang may kayang mag-manipula ng aking mga mata at ng aking damdamin.
“Wala lang. Gusto ko lang mapagisa. Ikaw, bakit mo ako sinundan?”
Umaasa ako na ang sagot niya ay makapagbabago sa aking pananaw.
Umaasa rin ako na sabihin niyang may pag-asa ako sa kanya
Na may gusto siya sa akin
At mahal niya rin ako
Yun lang naman ang mga posibleng dahilan ng aking pag-iisip, kung bakit hahabulin ng isang babae ang isang lalake.
Tama ba? Sana.. dahil ako’y napasaya niya
“Baka kasi magtaka si ma’am kung bakit wala ka, ako pa naman ang lider”
Nadismaya nanaman ako
Napahiya nanaman ako sa aking sarili
Marami talagang namamatay sa maling akala
my darling.
Song of Songs 1:15
Sunday, October 23, 2011 ( 6:39 PM )

Think of all the beauty still left around you
and be happy.
-Anne Frank
and be happy.
the other site
Send me some love!♥