d
r
e
a
m
Delight yourself in God & He will give you
the desires of your heart.
Psalm 37:4

"Before, it's empty.
Until you came and help me fill this place.
You gave me stories to share.." i>
-Nishyohseven- c>
Swimmer of her own thoughts. Writer of her dreams. Blogger of her journey.
A bipolar teenager who is attempting to inspire the world one blog entry at a time. She finds joy, stress and everything in between while trying to get a degree in Biology. She loves to dream and one of her dreams is to become a Pediatrician. She finds serenity with her creator. She's a proud ate to Nathaniel Josh and on her free time, she is a fan girl.
"Don't stop when you're tired; stop when you're done." ♥
the desires of your heart.
Psalm 37:4
profile
ramblings of a teenage girl

How beautiful you are,
my darling.
Song of Songs 1:15
-
Dumadalas ang mga hindi pangkaraniwang panaginip ko gabi-gabi. Ang pinaka-nakakapagtaka pa dito, natatandaan ko ito. Bawat detalye. Bawat kilos ng mga tao. Lahat. Ngayon naisipan kong ibahagi ang aking panaginip. Siguro pag nabasa ko to pagkalipas ng ilang taon, matatawa ako sa sarili ko. Pero sana parehas pa rin ang nararamdaman ko para sa taong ito. Hindi sana siya magbago.
my darling.
Song of Songs 1:15
Pagkat tayo'y hanggang panaginip lamang..
Thursday, November 10, 2011 ( 8:27 PM )
Dumadalas ang mga hindi pangkaraniwang panaginip ko gabi-gabi. Ang pinaka-nakakapagtaka pa dito, natatandaan ko ito. Bawat detalye. Bawat kilos ng mga tao. Lahat. Ngayon naisipan kong ibahagi ang aking panaginip. Siguro pag nabasa ko to pagkalipas ng ilang taon, matatawa ako sa sarili ko. Pero sana parehas pa rin ang nararamdaman ko para sa taong ito. Hindi sana siya magbago.
Sa isang mall sa makati, kasama ko ang aking pamilya para bumili ng mga pangdekorasyon sa amin bahay sa darating na kapaskuhan. Naglalakad kami sa mall at biglang kinalabit ako ng aking pinsan. "Tignan mo! Si Sam Concepcion o! Ang gwapooo" "Gusto mo lapitan ko yan?" "Kaya mo?" at ano pa nga ba ang inaasahan mong isasagot ko? Syempre isang malakas na "Aba, oo!" Tinawag ko ang aking idol. Tinanong ko kung naaalala niya pa ako. Sabi niya lang "you look familiar" Masaya na rin ako sa naging sagot niya. Sa dami ba naman ng kanyang ginagawa at iniisip, imposible nang maalala niya pa rin ako. Pero namumukaan niya ako.
Agad ko namang ikinuwento ang aming pagkikita noon sa TriNoma. (Na totoong nangyari sa aking buhay) Sabi ko "ako yung nakapareha mo sa pagsasayaw noon." "Aw yeah! Nag dougie tayo noon!" sagot naman niya. O hulaan mo kung sino yung kinikilig dito habang tinatype to.
Bigla kong nilabas ang kamera. Wala kasi kaming matinong picture noong nagsayaw kami. Sabi ko pa "Pa, picturan mo naman kami ni Sam!" Aba. Ayaw ng tatay ko! Tapos si Sam pa yung naghanap ng kukuha ng litrato sa amin. Ewan ko ba kung bakit ayaw ng mga magulang kong picturan ako sa tabi ng idol ko. Tapos ayon, yung PA niya yung kumuha ng litrato namin. Ang saya saya ko nun. Pinakita ko pa kay Sam yung picture namin sa kamera ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Aba mahaba haba na rin ang kwentuha namin.
"Tignan mo! Kaya ko diba? Ang bait niya pa. Buti na lang dito tayo nag punta sa mall na to!" pagmamalaki ko sa aking pinsan. Pumunta na kami sa baba kung saan nag tipon-tipon lahat ng tindera ng mga parol. May malaking aso na gumagala sa mall, tinahulan niya ang aking ama.
Pamaya-maya lang ay inatake na kami ng nasabing hayop. Kinagat kaming buong pamilya, kasama ang aking pinsan na sinubukan kong iligtas kaya naman puno ng sugat ang aking kamay. Agad naman kaming pumunta sa ospital para magpagamot. Naging okay naman kami.
Kung ako ang tatanungin? Okay ako. Lalo na't nakapag-usap kami ng idol ko. Ibang klase talaga siya..
Krrriiiiiingggg.... Nagising ako sa tunog ng aking telepono.
Isang panaginip. Hindi man maganda ang pagtatapos nito, aaminin ko. Kinilig ako. (ilagay ang aking pagmumukha rito pag kinikilig)
Think of all the beauty still left around you
and be happy.
-Anne Frank
and be happy.
the other site
Send me some love!♥