d
r
e
a
m
Delight yourself in God & He will give you
the desires of your heart.
Psalm 37:4

"Before, it's empty.
Until you came and help me fill this place.
You gave me stories to share.." i>
-Nishyohseven- c>
Swimmer of her own thoughts. Writer of her dreams. Blogger of her journey.
A bipolar teenager who is attempting to inspire the world one blog entry at a time. She finds joy, stress and everything in between while trying to get a degree in Biology. She loves to dream and one of her dreams is to become a Pediatrician. She finds serenity with her creator. She's a proud ate to Nathaniel Josh and on her free time, she is a fan girl.
"Don't stop when you're tired; stop when you're done." ♥
the desires of your heart.
Psalm 37:4
profile
ramblings of a teenage girl

How beautiful you are,
my darling.
Song of Songs 1:15
-
my darling.
Song of Songs 1:15
Isang masining na pagpapahayag..NOT
Saturday, December 10, 2011 ( 9:53 PM )
Hayskul
ako noong una ko siyang makita. Nilapitan ko siya upang humingi ng numero ng aming
ka-eskwela. Agad niya namang ibinigay ang aking hiling, kasama pa nito ang
kanyang magandang ngiti na kahit kalian hindi niya ipinagkait. Hindi ko rin
akalain na siya pala ang magiging tunay kong kaibigan. Sa dinami dami ng aming pinagdaanan,
hindi pa rin siya lumisan. Hindi ko alam kung bakit madali naming maintindihan
ang isa’t isa. Tanong ko, nakatadhana nga bang talaga?
Ikalawang
taon ko sa hayskul nang siya’y maging kaklase. Lubos ko pa siyang nakilala at
mas napalapit kami sa isa’t-isa. Sa unang araw ng aming klase, siya ay
pinakanta at lubos niya naman akong napahanga. Dahil doon, madalas rin siyang
naiimbitahan na kumanta sa publiko at palagi niya naman itong pinapaunlakan. Kung
may hindi nga kami pagkakatulad, ito ang boses na mala nimpa at talento sa
pagtugtog ng gitara.
Maihahalintulad ko siya sa isang libro na may magandang
storya. Mahirap bitawan at isa sa mga tinuturing kong kayamanan. Simple ang
pinakatugmang salita na maaari kong gamitin upang siya ay ilarawan. Ang kanyang
mga bilog na mata ang sumasalamin sa kanyang nadarama. Masungit man siya sa
paningin ng iba, napatunayan ko nama’y kakaiba. Busilak ang kanyang puso at
hindi ipinagdadamot kung anong meron siya.
Tuwing
ako’y may problema, kilala ko ang lalapitan at ito ang aking kaibigan. Madalas
man na hindi magparamdam, nandyan siya pag ika’y nangangailangan. Isa siya sa
mga inspirasyon ko sa buhay, isa rin sa mga dahilan kung bakit ako’y patuloy na
lumalaban. Hindi ko man palagi siyang napasasalamatan, hindi pa rin niya ako
iniiwan.
Think of all the beauty still left around you
and be happy.
-Anne Frank
and be happy.
the other site
Send me some love!♥